CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang estudyante nang mabagsakan ng gumohong pader sa kanilang paaralan sa Salimbalan Elementary School Baungon Bukidnon.

Kinilala ang mga biktima na sina Joven Singuil at James Lagunos, kapwa 15-anyos, Grade 7 at residente sa Purok 6 sa naturang lugar.

-- Advertisement --

Sinabi ni Staff Sgt. Stephany Sibucao ng Baungon Municipal Police Station na naglalaro ang mga estudyante nang biglang bumigay ang pader ng kanilang sa kanilang paaralan.

Wala namang ibang nasugatan sa insidente bukod lamang sa dalawang biktima na kaagad na binawian ng buhay.