-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang empleyado ng Sandiganbayan, dahilan kung bakit sarado ito ngayong Lunes, Hulyo 13, ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Ayon kay Tang, ito ang napagdesisyunan ng Sandigan en banc kasunod ng isang pagpupulong sa gitna ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases, lalo na sa Quezon City.

“The Sandiganbayan En Banc has resolved to physically close the Sandiganbayan on Monday, July 13. This step is necessary to enable the Sandiganbayan to conduct contact tracing/monitoring of the health of the court’s employees,” ani Tang.

Tiniyak naman nito sa publiko na lahat ng mga justices, officials at employees ng Sandiganbayan ay patuloy na magtatrabaho sa ilalim ng alternative work arrangement.

Sa ngayon, mahigit 54,000 na ang COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 14,037 ang naka-recover habang 1,372 naman ang pumanaw dahil sa nakakamatay na sakit.