Dalawang cruise ship mula sa China ang dumaong sa daungan ng Subic Bay nitong linggo, ayon sa tanggapan ng Department of Tourism (DOT) Central Luzon.
Ang parehong mga cruise ship ng Blue Dream Star ay mula sa Xiamen.
Ang bawat isa ay nagdala ng humigit-kumulang 1,000 Chinese na pasahero at 300 crewmembers.
Sinabi ng DOT na humigit-kumulang 11 cruise ships ang dadaong sa Subic Freeport pagkatapos ng tatlong taon.
Inaasahan ang humigit-kumulang 20,000 turistang bibisita hindi lamang sa SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority kundi maging sa mga karatig pang mga lugar.
Idinagdag ng DOT na ang cruise tourism ay isang portfolio ng produkto ng Subic Bay Metropolitan Authority.
Una na rito na inaasahan ang 128 cruise calls sa 33 destinasyon, na maaaring magdala ng higit sa 101,000 pasahero at 50,000 crewmembers sa bansa.