Inihahanda na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kaso laban sa 2 Chinese na nakumpiskahan ng P21 million na halaga ng KN95 face masks sa lungsod ng Taguig.

Patong-patong na kaso kabilang na ang paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act laban sa mga suspek na sina James Zhu at Charles Lee.
Magugunitang umaabot sa 200 kahon na naglalaman bawat kahon ng 1,000 KN95 mask.

Ayon sa CIDG na ibinebenta ang bawat isa sa halagan P45.00 para mabilis itong maubos.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng kasamahan pa ng mga naarestong suspek.