-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang dalawang mataas na opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) Regiona Office 10.

Kinasuhan ng ilang faculty members ng University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) sina CHED commissioner Ronald Adamat, chairman ng board of regents ng USTP, at si CHED-10 regional director Raul Alvarez.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni USTP faculty member Jay Pepe na kinasuhan nila ang dalawang opisyal matapos may nakikita silang ”abuse of authority”.

Ayon kay Pepe, ikinadismaya ng 192 faculty members ng unibersidad ang pagtanggi ng mga ito na aprubahan ang promotion at classfication ng ilan sa kanilang trabaho.

Sa ngayon, wala pang ipinalabas na reaksyon ang dalawang opisyal kaugnay sa nasabing kaso.