-- Advertisements --

Arestado ang dalawang Canadian at isang Australian dahil sa paglabag sa batas sa Security Regulation Code.

Nakilala ang mga suspek na sina Richard Racioppi Jr., taga New York; Jesse Scot ng Toronto, Canada at Barry Rosen ng Monterio, Canada.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay NCRPO spokesperson S/Insp. Myrna Diploma, sinabi nito na na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Australian embassy kaugnay sa iligal aktibidad ng dalawang Canadian at isang Australian national.

Kaya kaninang umaga nagsilbi ng search warrant ang mga pulis sa mga suspek sa Ormoc St., Alabang Hills, Cupang, Muntinlupa City.

Sinabi ni Diploma ongoing pa ang imbestigasyon laban sa mga suspek.

Mga kapwa foreigner din ang binibiktima ng tatlong mga banyagang suspek.

Mismong si NCRPO chief C/Supt. Guillermo Eleazar ang nanguna sa pagsisilbi ng search warrant.

Nahaharap ang mga dayuhan sa kasong paglabag sa Section 26 ng RA 8799 o ng Security Regulation Code.