BAGUIO CITY-Arestado ang dalawang binata matapos silang magnakaw ng flat screen TV sa Baguio Cathedral Compound sa Baguio City.

Nakilala ang mga suspek na sina Filber Faustino Mendoza, 22-anyos, walang trabaho at residente ng Tacay Road, Sunnyside Fairview, Baguio City at si Samuel Diwayan Ag-agwa, 35-anyos, wala ring trabaho at residente ng Tuding, Itogon, Benguet.

Batay sa blotter, nakita ng guwardiya sa CCTV ang pagbuhat ng isa sa mga suspek sa isang TV na natakpan ng tela.

Dahil dito, kinompronta ng gwardiya ang suspek at nakita ng gwardiya na may kasama ang suspek na nagmamanman sa lugar.

Agad na nagreport ang gwardiya sa pulisya at narekober sa mga suspek ang 55 inches flat screen TV na nagkakahalaga ng P45,000.