-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binomba ng Philippine Air Force (PAF) at field artillery batallion ng Philippine Army ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa hangganan ng Shariff Saydona, Mustapha at Datu Salibo, Maguindanao.

Tinamaan ang maliit na kampo ng BIFF at nasawi ang dalawang tauhan ni Kumander Salahudin Hassan.

Ayon kay 601st Brigade commander Col. Jose Narciso na namataan nila ang mga terorista na nagtatago sa kanilang kampo kaya agad naglunsad ng air to ground assault ang Joint Task Force Central.

Narekober sa mga nasawi ang isang improvised caliber .50 sniping rifle, isang improvised Explosive device (IED), isang M14 rifle at mga bala.

Ilang pamilya naman ang lumikas sa takot na maipit sa gulo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng Joint Task Force Central laban sa BIFF sa Maguindanao.