Nagpahayag ng intensiyong tumulong ang dalawa pang bansa para sa paglilinis ng tumagas na langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Ipinaliwanag ng Office of Civil Defense (OCD) information officer Diego Agustin Mariano na kanilang ilalabas ang impormasyon ukol sa mga bansang nais tumulong matapos na tanggapin ng Office of the President ang assistance sa pamamagitan ng endorsement ng OCD.
Nauna ng dumating sa bansa noong nakalipas na linggo ang mga kinatawan mula Japan para makatulong sa mga apektado ng oil spill matapos na lumubog ang oil tanker sa may karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon pa sa OCD official na nasa mahigit 31,600 pamilya na o 145,000 residente ang apektado ng oil spill na umabot na sa northern Palawan at mayroong 175 katao ang napaulat na nagkasakit.