-- Advertisements --
image 223

Dalawang bangkay na ang unang natagpuan sa paghahanap sa 39 na tripulante na nawawala matapos tumaob ang isang Chinese fishing vessel sa Indian Ocean.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad sa China, ang patuloy na operasyon ng paghahanap kasunod ng pagtaob ng Lu Peng Yuan Yu 028 ay nagresulta na matagpuan ang unang dalawang katawan na sakay ng nasabing barko.

Kung matatandaan, tumaob ang isang Chinese fishinf vessel noong Martes lulan ang 17 Chinese, 17 Indonesian at limang mga Pilipino.

Ang bangka ay tumaob sa loob ng 5,000 kilometro sa kanluran ng Perth na state capital ng Western Australia.

Dagdag dito, ang iba’t ibang mga bansa na pinagmulan ng mga sakay nito ay may pananagutan sa pagtiyak ng paghahanap at pagsagip sa mga biktima ng barko.

Samatanla, nagpadala na ang Australia ng tatlong eroplano at apat na barko para tumulong sa isinasagawang search and rescue operation upang hanapin ang natitirang 37 pang mga nawawala.

Una na rito, humihingi na ngayon ng karagdagang tulong ang China sa pakikipag-ugnayan sa depensa ng Australia at sa ibang kalapit na mga bansa na tumulong upang mas mapabilis ang ginagawang search and rescue operation.