-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa posibilidad ng pagsasanib puwersa ng dalawang bagyo sa silangan ng Pilipinas bilang isa na lamang.

Ayon sa weather bureau, mas malakas ang tropical storm Maring kaya maaaring ito ang manatili kapag nagsama ang dalawang sama ng panahon.

Kung mangyayari ito, maraming ulan ang ihatid ng bagyo sa kalupaan ng Northern Luzon at mga karatig na lugar.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Maring sa layong 820 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, ang bagyong Nando naman ay namataan sa layong 930 km sa silangan ng Central Luzon.

Ang takbo nito ay papalapit sa TS Maring, kaya malaki ang posibilidad ng pagsasanib nila ng lakas.

“Maring” may likely persist in the merger event with “Nando,” which may take place within the next 24hours. The resulting merger cyclone is forecast to continue intensifying within the forecast period and may reach severe tropical storm category within 36 hours,” pahayag ng Pagasa.