Arestado ang dalawang lalaki sa Quezon City matapos idaan sa pamamagitan ng dating app ang transaksyon sa pagbebenta ng iligal na droga.

Hindi na nakapalag ang suspek nang bitbitin ng mga otoridad sa buy-bust operation sa Project 4.

Batay sa ulat, isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakipag-usap sa 34-year old suspek na target ng operasyon.

Napag-alamanang “chemfun” o paggamit ng illegal drugs habang nakikipagtalik ang modus ng salarin.

Bukod sa suspek, arestado rin ang isa pang lalaki na source umano nito ng sinasabing shabu.

Nakuha mula sa mga ito ang apat na gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P27,500.