-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na naging matagumpay ang isinagawa nilang dalawang araw na tigil-pasada mula Marso 26-27.

Ayon kay PISTON president Mody Floranda, na kanilang naparalisa ang ilang ruta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Mas marami rin aniyang dumalo at lumahok na grupo sa isinagawa nilang tigil pasada.

Kinabibilangan ito ng mga buses, UV express, at transport network vehicle services (TNVS).

Magugunitang isinagawa ang tigil pasada bilang bahagi ng panawagan na tuluyang pagtanggal ng fuel excise tax at ang dagdag na ayuda sa mga naapektuhang drivers dahil sa gulo sa Gitnang Silangan.