CAGAYAN DE ORO CITY – Abo na nang matagpuan ng mga pulis ang bangkay ng dalawang taong gulang na paslit sa Purok 7, Segapod, Maigo, Lanao del Norte kagabi.
Kinilala ang biktima na si Romnick Balde, residente sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Maigo Municipal Polcie Station commander Police Lt. Baltazar Deguilmo na nangyari ang krimen nang magalit ang suspek na si Florencio Curay sa ina ng bata na dahil daw sa nawawalang pera nito na P12,000.
Aniya, binugbog ng suspek ang kalaguyo niyang si Janet Balde at kinaladkad palabas ng videoke kasama ang paslit na anak nito.
Nakatakas ang ginang at nakapagpasaklolo pa sa kapitbahay ngunit naiwan ang kaniyang anak na siyang napabuntongan ng galit ng suspek.
Sinasabing hindi nagdalawang isip si Curay na sunugin ang bata kasama ang mga tuyong dahon.
Mahaharap sa kasong arson at murder in relation to Republic Act 7610 o child abuse ang suspek.