balon nalunod Capiz
-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kaagad na namatay ang dalawang taong gulang na paslit matapos malunod sa balon sa Sitio Agtalin, Barangay Dulangan, Pilar, Capiz.

Base sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Pilar Municipal Police Station, naligo sa naturang balon ang biktima na nagresulta sa kaniyang pagkakalunod.

Hindi umano napansin ng kaniyang mga magulang ang biktima dahil nanood ng telebisyon ang ama nito, habang abala naman sa pagtutupi ng damit ang kaniyang ina.

Sa paglilibot ng mag-asawa ay nakita na lamang ng ama ang anak nitong lumulutang sa balon.

Dinala pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

-- Advertisement --