-- Advertisements --


Nasa kabuuang 2,443 ang na-commit na paglabag sa karapatang Pantao ng New People’s Army (NPA) mula noong 1968 hanggang 2009 ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Isinumite ng Armed Forces of the Philippines Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Joel Alejandro Nacnac ang records o talaan ng mga paglabag na nagawa ng rebeldeng grupo kay Commission on Human Rights (CHR) chair Richard Palpal-Latoc.

Liban pa dito, muling isinumite na rin ng AFP official sa Human rights and international humanitarian law (IHL) ang paglabag ng grupo mula noong taong 2010 hanggang sa unang semester ng taong 2022.

Bilang bahagi naman ng mandato ng Armed Forces of the Philippines Center for Law of Armed Conflict, patuloy ang kanilang pagmonitor sa non-state armed group gaya ng NPA.

Ang NPA ay patuloy na gumagawa ng mga bayolenteng gawain target nag gobyerno at mga sinilyan sa mahigit limang dekada na.

Base sa inisyal na nakalapa na consolidated reports mula sa concernes agencies , nasa 40 cases ng employment ng child fighters, 432 insidente ng pagsira ng civilian-owned properties, 72 paggamit ng anti-personnel mines (APMs) or improvised explosive devices (IEDs), 1,606 kaso ng willful killings, at 293 iba pang HR abuses.

Nagresulta ang terroristic acts na ito sa pagkakapaslang sa 2,312 katao at 485 individuals na sugatan na karamihan ay mga sibilyan o kabuuang 2,797 casualties.

Ang nakalap na datos ayon sa AFP official ay magreresulta sa paghahain ng kaukulang kaso ng Human rights abuses at international humanitarian law cases laban sa NPA.