-- Advertisements --

Itinuturing ni Maureen Wroblewitz na suwerte pa rin siya sa kabila ng pagtama ng COVID o Coronavirus Disease sa kanya.

Pahayag ito ng 22-year-old half German model kasabay ng pag-amin na isisikreto niya na lamang sana ang pagiging COVID survivor pero naisip na mahalaga rin ang makapagbigay ng kaalaman sa publiko.

Ayon kay Maureen, mild lang o hindi malala ang naging sintomas niya subalit hindi dahilan upang magpakante lalo’t “high risk” sa virus ang mga kasama nito sa bahay.

“Very scary” aniya ang pagsailalim niya sa dalawang linggong quarantine kung saan naapektuhan na ang kanyang mental health.

Tila may pasaring din ito tungkol sa mga kaibigan at taong malapit sa kanya sa pagsasabing may mga walang pakialam kung sila ba ay makakahawa gaya sa pananadya na maling paraan na pagsuot ng face mask at face shield.

Narito ang bahagi ng IG post ni Wroblewitz:

“I should never let my guard down at a time like this, to trust my gut instincts and also that the only person you can really trust is yourself. You can’t rely on other people to keep you safe.

Nose and mouth both need to be covered by the mask and the face shield shouldn’t sit on top of the head either [inverted smiley emoji] be extra careful because you never know how long someone’s been wearing their mask already) practice social distancing and boost your immune system with lots of Vitamin C, B, and D. If there is no reason to go out, stay home!

Maureen Pinay ANTM

Not everyone you see outside has a strong immune system and may even have other medical conditions. Please be responsible when you go out and protect yourself first in order to protect others! Stay safe and healthy everyone [red heart emoji].”

Si Maureen ang first ever Pinay na nanalo bilang Asia’s Next Top model noong 2017.

Kamakailan lang nang maging usap-usapan ang larawan nito dahil sa tila kiss mark daw sa bahagi ng kanyang tiyan, bagay na kanyang pinabulaanan at nilinaw na paso iyon mula sa clothing steamer.