-- Advertisements --

Mas visible na ngayon ang Quadrantid meteor shower, matapos na hindi gaanong mapansin nitong Enero 1, 2021 dahil sa mga pailaw at usok ng iba pang fireworks at firecrackers.

Nagsimula ang nasabing astronomical event noong Enero 1 at magtatapos sa Enero 7, 2021.

Pero ang peak nito ay sa darating na petsa tres at kwatro ng buwang ito, kung saan hanggang 20 meteors ang makikita.

Ang mga batong ito sa kalawakan ay nagmula sa Asteroid 2003 EH, na inakala ng iba na tatama noon sa mundo.

Samantala, malabo namang makita ang meteor shower sa ilang bahagi ng bansa na nananatiling maulap dahil sa extension ng umiiral na cold front at amihan.