-- Advertisements --

Inanunsyo ni Philippine Army commanding general Lt. General Romeo Brawner Jr. na nakatakdang ilunsad ng hukbo ang kanilang 1st Electronic Warfare Company.

Ito ang inihayag ni Brawner sa kanyang 100-day accomplishment report sa mga sundalo.

Ayon kay Brawner, layon nito na mapalakas ang cyber-defense capabilities ng Army Command na bahagi ng modernization program.

Kasama din aniya sa modernization project ay ang pag-activate ng bagong infantry rocket-system, at short range air defense battalions, at ground-based air defense battery, para mapalakas ang kakayahan ng army na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

Dahil dito, nagpahayag ng kumpiyansa si Brawner na “on track” ang Philippine Army sa adhikain nito na maging “world class military force” pagsapit ng taong 2028.