-- Advertisements --
OFW OWWA

Tatanggap ang unang batch ng repatriates OFWs mula sa Gaza ng tulong mula sa DFA, Overseas Workers Welfare Administration, at Department of Social Welfare and Development.

Una nang dumating sa Pilipinas kahapon ang unang batch ng mga Pinoy na pinauwi mula sa Gaza na naapektuhan ng kaguluhan sa Israel.

Ang grupo, na binubuo ng 34 na Pilipino at isang Palestinian national, ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 alas-4:20 ng hapon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, bahagi sila ng 40 Pinoy na tumawid sa hangganan ng Gaza-Egypt nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni De Vega na anim na Pilipino ang nananatili sa Cairo, Egypt, kung saan tatlo sa mga ito ay kasal sa mga mamamayang Egyptian at tatlo ay mga buntis.

Una na rito, patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng iba’t-ibang ahensya upang matulungan at mapauwi pa ang natitirang mga Pinoy na naiipit sa digmaan ng Israel at ng Hamas.