RODRIGO DUTERTE PRRD
-- Advertisements --

Kinontra ng opposition group na 1Sambayan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay tatakbo sa pagka-vice president sa darating 2022 elections.

smbyan
1Sambayan FB post

Sinabi ng grupo na ginagawang katatawan lamang ni Duterte ang konstitusyon.

Malinaw aniya na natatakot ang pangulo sa pananagutan sa International Criminal Court at sa justice system ng bansa.

Naniniwala ang grupo na alam ng mamamayan ang makasariling motibo ng pangulo dahil sa kaniyang anunsiyo.

Tinawag naman ng Kilusang Mayo Uno na isang desperadong galawan ang ginawa ng pangulo para maiwasan niya ang pananagutan sa batas.

-- Advertisement --

Magugunitang inanunsiyo ng Energy Secretary Alfonso Cusi faction na PDP-Laban na tinanggap na ni Duterte ang ginawa nilang pag-endorso sa pagtakbo nitong ikalawang pangulo ng bansa.