floods sarangani
-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit sa 70 pamilya ang apektado sa pagbaha sa tatlong Barangay sa Maitum, Sarangani Province.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office biglang umapaw ang Kalaong river dahil sa malakas na pag-ulan.

sarangani floods

Nagsimula umanong lumaki ang tubig pasado alas-dos ng hapon kaya’t sapilitang lumikas ang mga residente sa Barangay Kalaong, Malalag at Bati-an at dinala sa evacuation center.

Mano-mano namang sinagawa ng Maitum Police Station at MDRRMO ang pag-rescue sa mga residente dahil hindi madaanan ang lugar na hanggang brywang ang lalim.

Hindi na rin naisalba pang buhay ng mga rescue team ang isang guro nang matabunan ng landslide.

-- Advertisement --

Nagpatuloy naman ang retrieval operations para makita ang bangkay ng nasabing public school teacher.