-- Advertisements --

Pinag-aaralan na raw ng kampo ni Senator Panfilo Lacson ang lahat ng position papers at iba pang materyales na kanilang nalikom sa mga nagdaang pagdinig ng Senado ukol sa isyu ng red-tagging.

Kailangan daw kasi nilang siguraduhin na hindi labag sa konstitusyon ang anomang hakbang na kanilang gagawin hinggil sa naturang paksa.

Isa pa sa malaking isyu na kailangan nilang pagtuunan ng pansin ay kung dapat na gawing krimen ang red-tagging o red-baiting dahil posbile aniya itong magkaroon ng problema sa probisyon ng Saligang Batas ukol sa freedom of expression at freedom of speech ng isang indibidwal.

Ayon kay Lacson, may mga nagsasabi aniya na ang kalayaan ay hindi absolute kung kaya’t may mga batas na ginawa para parusahan ang libel at cyber-liber.

Sa kabila nito, sinabi naman ng senador na naging patas ang tatlong pagdinig ng Senado ukol sa red-tagging at ang mga natatanggap nito na pangba-bash mula sa mga taga-suporta ng parehong kampo ay normal na lamang.

Naiintindihan naman aniya nito ang ginawang pagbibigay linaw ni Makabayan Rep. Carlos Zarate sa naging pahatag nito na naging “witch-hunting” lamang ang mga Senate hearings, ay nagbigay pa rin ito ng maling impresyon sa publiko.