Reading Time: 1 minute

Labis ang pasasalamat ni dating 1979 Miss International Melanie Marquez matapos nakuha ng kaniyang anak na si Michelle Dee ang Miss World 2019 crown.

Ayon kay Melanie, naging sulit ang pagsisikap ng anak nito.

Mula pa raw sa umpisa aniya ay nakita na nito ang potensyal na manalo dahil sa pagkakakuha nito ng mga minor awards.

Huling nasungkit ng Pilipinas ang titulo noon pang nakaraang anim na taon sa pamamagitan ni Megan Young.

Nakatakdang irepresenta ni Marquez ang bansa sa darating na Disyembre 14 sa ExCel, London.