LAOAG CITY – Tagunpay na nearest ang maglive-in partner sa isinagawang search warrant operation ng mga otridad sa Barangay 19, San Nicolas.
Nakilala ang mga subject na sila Arnold Ragutero, welder at Cely Gonzales alyas Camille, tubo ng Leyte at nangungupahan sa Sitio 4 ng nasabing barangay.
Nakita ng mga otoridad sa mismong kwarto ng maglive-in partner ang 19 na sachet na naglalaman ng hinihalang shabu, isang residue, isang glass tube tooter maliban sa isa pang glass tube tooter na nasa posisyon ni Ragutero.
Maliban dito, nakita pa ng mga otoridad sa kusina ang hinihinalang shabu, drug paraphernalia at marami pang iba at lahat ng nakumpiska ay umabot sa 20 gramo ang bigat.
Samantala, sa eklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Ragutero, inamin nito na gumamit ito ng iligal na droga sa nakalipas na araw.
Sinabi naman ng kapatid ni Gonzales na wala siyang ala sa aktibidad ni Cely at wala itong napansin simula noong dumating ang dalawa sa kanilang inuupahan.
Lumaalabas na ang mga suspek ay kabilang sa Top 10 Drug Watchlist ng PNP Region 1 at miembro ng drug group na may operasyon sa probinsya.
Nalaman mula sa mga otoridad na mahigit isang buwan na nasobserbahan ang galaw ng mga suspek.