-- Advertisements --

Patay ang 19 na katao matapos ang pagguho ng highway sa Guangdong province sa China.

Ayon sa mga otoridad na nasa 18 mga sasakyan ang nahulog ng gumuho ang kalsada na komokonekta a Meizhou City at Dapu City sa Guangdong Province.

Dinala naman sa pagamutan ang nasa 30 mga biktima matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

Isa ang ilang araw na malalakas na pag-ulan na maaring naging sanhi ng paglambot ng lupa sa nasabing lugar kaya gumuho ang kalsada.