-- Advertisements --

Nasa 19 katao ang nasawi matapos ang naganap na aksidente sa kalsada sa Nanchang County, Jiangxi province.

Base sa inisyal na imbestigasyon na binangga umano ng truck ang isang funeral procession.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Itinuturong sanhi umano ng aksidente ay ang pagiging malabo ng kalsada bunsod ng makapal na hamog.