-- Advertisements --
Mayroong panibagong 19 na kaso ng UK COVID-19 variant ang naitala ng Department of Health (DOH).
Dahil sa nasabing bilang ay pumapalo na ngayon sa nasabing kaso sa kabuuang 44.
Ayon sa DOH 3 kaso ng B.1.1.7 variant ay mula sa Davao Region, 2 ay mula sa Calabarzon habang 8 naman sa mga overseas Filipino worker na umuwi sa bansa.
HIndi naman binanggit ng DOH kung saan galing ang anim na iba pa.
Magugunitang isang residente ng Quezon City ang unang tao sa bansa na dinapuan ng UK coronavirus variant.










