-- Advertisements --
image 483

Aabot sa 24 na mga loose firearms ang isinuko sa militar ng ilang mga local officias sa Maguindanao del Sur.

Ito ay sa gitna ng puspusang pangangampanya ng 1st Mechanized Brigade laban sa prolifereation ng mga loose firearms sa bansa.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Public Information Office chief MAJ Andrew Linao, isinuko ng 19 na mga barangay chief sa bayan ng General Sakipada K. Pendutan ang naturang mga armas kay 1st Mechanized Battalion commanding officer LTCOL Jayson Domingo.

Isinagawa ang turn-over ceremony g mga ito sa Municipal Gymnasuim sa pangunguna naman ni General Sakipada K. Pendutan Mayor Rafsanjani Ali na pormal namang tinanggap ni BGEN. Andre Santos, ang Commander ng 1st Mechanized Battalion, at sinaksihan naman ng iba’t-ibang mga indibdiwal.

Kabilang sa mga armas na isinurender ng naturang mga lokal na opisyal ay ang iba’t-ibang uri ng dekalibreng baril at pampasabog na kasalukuyan nang nasa ilalim na ngayon ng pangangalaga ng 1st Mechanized Battallion para sa safe keeping at proper disposition.

Samantala, kaugnay nito ay mulinamang iginiit ni WESMINCOM Commander Gen. Roy Galido na magpapatuloy ang isinasagawang pagpapaigting ng pamahalaan sa kampanya nito kontra proliferation ng loose firearms upang tiyakin na magiging tapat, maayos, at mapayapa ang gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa bansa sa darating na buwan ng Oktubre 2023.