Nakuha ng 19-anyos na dalaga mula sa Belgium ang record na bilang pinakabatang tao na nakaikot sa buong mundo gamit ang eroplano.
Ayon sa Guinness World Records, mag-isang inikot ni Zara Rutherford ang buong mundo lulan lamang ang eroplano sa loob ng 199 araw.
Natapos ng batang piloto mula sa Brussels ang pag-ikot sa buong mundo nitong Enero 20, 2022.
Isa aniya itong pangarap niya ikutin ang buong mundo kaya siya nag-aral na maging piloto.
Nabasag din ni Zara ang record na pinakabatang tao na umikot sa mundo gamit lamang ang microlight plane.
Nagsimula ang pag-ikot ni Zara noong Agosto 18, 2021 gamit lamang ang maliit na eroplano.
Layon nito na mabawasan ang gender-gap sa Science, Technology, Engineering, Mathematics at maging sa Aviation.
Umabot sa 52 bansa limang kontinente ang naikot ni Zara kung saan nagkaroon ito ng iba’t-ibang pagtigil sa iba’t-ibang bansa.
Ang unang rota nito ay sa United Kingdom, Iceland, Greenland, Canada, USA, Latin America hanggang Colombia.
Ilang araw din itong nanantili sa Russia matapos abutan ng masamang panahon at hindi rin itong pinayagan na makalipad ng gabi dahil sa panganib sa sinasasakyan nitong eroplano.
Nag-aral din ito kung paano umalis sa eroplano kapag may emergency at may dala itong parachute.
Unang nakapagpalipad siya ng eroplano noong 18-anyos pa lamang siya.
Dahil dito ay nahigitan niya ang record ni Shaesta Waiz ng US na may hawak ng record noong 2017 ng solong inikot ang mundo gamit ang eroplano sa edad 30.