CENTRAL MINDANAO- Isang Locally Stranded Individual (LSI) ang binawian ng buhay sa South Upi Maguindanao nang magpatiwakal sa loob ng isolation facility.
Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng South Upi Maguindanao.
Ayon sa LGU-South Upi, madaling araw ng matagpuang wala nang buhay at nakabigti ang isang 19-anyos na lalake.
Sinabi ni South Upi Mayor Reynalbert Insular, palaisipan pa rin ngayon sa mga otoridad ang dahilan kung bakit kinitil ng binata ang sarili nitong buhay.
Dagdag pa ni Insular, wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa nangyaring insidente.
Ang naturang LSI ay mula sa lungsod ng Tacurong kung saan nagtatrabaho ito bilang carwash boy bago ito umuwi sa South Upi at sumailalim sa 14-days quarantine.
Samantala, tiniyak naman ni Mayor Insular na hindi positibo sa coronavirus disease o COVID-19 ang binata.
Gayunman, agad naman umano inilibing ang bangkay ng binatang LSI.