CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang electrician dahil sa pagtutulak ng illegal drugs sa Villasis, Santiago City.
Ang pinaghihinalaan ay si Jefferson Buan, 19, binata, electrician at residente ng Mabini, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa pagtutulungan ng Station Drug Enforcement Unit sa ilalim ni P/Capt. Romel Cansejo, hepe ng Presinto uno, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2 ay inilatag ang anti-illegal drug buy bust operation laban sa binata.
Bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu, nakipagtransaksyon ang suspect sa isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer katumbas ng P3,000.
Hindi naman itinanggi ni Buan ang pagkakasangkot nito sa naturang gawain subalit pinabulaanan niya ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Gayunman ay naniniwala ang pamilya ng suspek na wala siyang kasalanan.
Batay naman sa mga otoridad, kabilang ito sa pinaghihinalaan sa regional Top 10 priority o high value target ng kapulisan.
Mahaharap ang pinaghihinalaan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.