-- Advertisements --

Pinangalanan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Team ang 18 lugar sa bansa na itinuturing ngayon na high risk sa COVID-19.

Batay sa report ng grupo nitong Lunes, October 26, tinukoy ang mga lugar dahil sa mataas na bilang ng kanilang coronavirus cases kada araw, attack rate at occupancy sa mga ospital. Kabilang dito ang:

  1. Pasay City
  2. Makati City
  3. Pasig City
  4. Mandaluyong City
  5. Baguio City
  6. Itogon, Benguet
  7. Calamba, Laguna
  8. Angono, Rizal
  9. Cainta, Rizal
  10. Tatay, Rizal
  11. Lucena, Quezon
  12. Lagan, Isabela
  13. Batangas City, Batangas
  14. General Trias, Cavite
  15. Iloilo City
  16. San Carlos City, Negros Occidental
  17. Davao City, Davao Del Sur
  18. Butuan City, Agusan Del Norte

Magugunitang naglabas din ang research team ng listahan ng high risk areas kamakailan.

Pinaalalahanan ng grupo ang local government units ng mga nabanggit na lugar na paigtingin ang kanilang pagpapatupad sa COVID-19 strategies, tulad ng testing, tracing at isolation.

Sa paraang ito raw maaaring mapigilan ng mga lokal na pamahalaan ang transmission ng sakit sa komunidad.

Batay sa huling case bulletin ng Department of Health, Negros Occidental ang nakapagtala ng mataas na numero ng newly-reported cases sa 115. Sinundan ng Cavite (76), Benguet (72), Quezon City (67), at Laguna (65).

Umaabot na sa 373,144 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.