-- Advertisements --

Naitala ng Department of Health (DOH) ang bagong 562 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala mayroon namang naitalang 882 na gumaling at 176 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (12,169) ang aktibong kaso, 97.8% (2,773,891) na ang gumaling, at 1.76% (49,936) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawa sa mga laboratoryo ang hindi operational noong December 7, 2021 habang mayroong 0 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang labs na ito ay humigit kumulang 0% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“Note: Of the 176 reported deaths, only 8 occurred in December 2021. 7% of the reported deaths today occurred in November 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date,” bahagi pa ng DOH advisory.”