-- Advertisements --

Nakapagtala raw ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 17 volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano sa Negros Island sa nakalipas na 24 oras.

Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng Phivolcs na nagbuga rin ang naturang bulkan ng plumes na umabot sa 300 meters ang taas at patungo sa direksiyong northwest.

Nagbuga rin daw ito ng 151 tonnes ng sulfur dioxide noong May 1.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) at ang pagpapalipad nang ano mang uri ng eroplano sa naturang bulkan.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions ng naturang bulkan.