-- Advertisements --
Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang nasa 17 katao na lulan ng tourist ubs sa Haiti.
Walo sa mga biktima ay mga Turkish nations habang ang walo ay mga Haitian at mula naman sa Dominican Republic ang driver.
Naganap ang pagdukot sa Port-au-Prince kung sana unang dinukot ang Dominican diplomat kung saan pinakawalan din ito matapos ang apat na araw.
Ayon sa Turkish consul sa Haiti na ang kanilang kababayan ay kabilang sa organisasyon sa promosyon ng edukasyon.
Pinaniniwalaang ang grupo ng 400 Mawozo gang na humihingi ng ransom sa kanilang mga biktima.
Mula pa noong nakaraang dalawang taon ay tumaas ang kaso ng kidnap for ransom.