MANDAUE CITY-Nagpositibo ang 17 police personnel ng Mandaue City Police Office (MCPO) matapos na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon sa tagapagsalita ng MCPO na si Police Major Mercy Villaro na 17 sa kanilang mga kasama ang bago lang nahawaan ng virus matapos itong isinailalim sa swab testing dahil narin mga frontlliners ang mga ito.
Sa ngayon wala nang pinapapasok sa headquarters ng MCPO at nakaskeletal workforce na rin sila ngayon.
May inihanda namang mga drop box ang headquarters para naman sa gustong magpaabot ng kanilang mga sumbong.
Isinailalim naman sa lockdown ang Opao Police Station ng nasabing lungsod at hinihintay nalang nga mga police personnel ang free to work order.
Tiniyak naman ni Villaro sa mga Mandauehanon na patuloy pa rin ang serbisyo ng
Mandaue City PNP sa gitna ng nagpapatuuloy na COVID-19 pandemic.













