-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Makakauwi na sa bansa ang 17 pinoy seafarers sa Uruguay matapos mastranded ng ilang buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi niya na sa kabila ng wala silang opisina sa naturang bansa maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay gumawa pa rin sila ng paraan para matulungan ang mga naturang Pinoy.

Ang 17 seaferers ay nauna nang nagpatulong sa Bombo Radyo Cauayan na inilapit naman ng himpilan kay Sec. Bello.

Ayon kay Labor Sec. Bello, idinaan nila ito sa kanilang opisina sa Brazil kaya sila ay natulungan at ngayo’y mayroon ng ticket pauwi sa bansa.

Kapag nakauwi sila ay mabibigyan sila ng benepisyo mula sa integration program ng OWWA at sa AKAP program ng DOLE na lahat ng OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ay mabibigyan ng tulong pananalapi.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni kalihim Silvestre Bello III ng DOLE.