-- Advertisements --
Patay ang nasa 17 katao matapos ang banggaan ng van at dump truck sa Antipas, Cotabato.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, may laman na mga bato at buhangin ang truck ng mabangga ang van sa kahabaan ng Barangay Luhong.
Dahil sa banggaan ay biglang nagliyab ang van na nagresulta sa p agkakasunog ng mga sakay nitong mga pasahero.
Nakaligtas ang tatlong biktima subalit nagtamo ang mga ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kaya dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Sinabi ni Police Captain Godofredo Tupas II ang hepe ng Antipas PNP na patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon sa insidente.