Matapos ang ikalawang landfall ng bagyong Ofel sa vicinity ng Matnog sa Sorsogon, itinaas ngayon ang Tropical Cyclone Signal Number 1 sa 17 lugar sa bansa.
Ayon sa Pagasa, nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa Batangas, southern portion ng Laguna o ang Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena.
Kasama pa rito ang central at southern portions ng Quezon partikular sa Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong at San Antonio, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Sa pinakahuling weather bulletin mula sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 kilometers southwest ng Juban, Sorsogon.
Napanatili pa rin nito ang kanyang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 55 kph.
Umuusad ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Sa pagtaya ng Pagasa, ang tropical depression ay posibleng nasa 140 km west ng Calapan City, Oriental Mindoro bukas ng umaga.
Unang nag-landfall ang bagyo kaninang madaling araw sa Can-avid sa Eastern Samar.