-- Advertisements --

Patay ang 17 katao matapos ang banggaan ng dalawang tren sa eastern Bangladesh.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na bigla na lamang binangga ng freight train ang likurang bahagi ng pampasaherong train.

Naganap ang insidente sa Bhairab sa north-east ng Dhaka region.

Itinuturong sanhi ng aksidente ay ang pagkakaroon ng problema ng kanilang signal light.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Naglunsad na ang gobyerno ng Bangladesh ng imbestigasyon ukol sa nasabing aksidnente.