-- Advertisements --

Nasa 17 kababaihan ang nailigtas sa prostitusyon sa Cavite.

Sinabi ni Police Lt. Col. Samuel Mina Jr, ng PNP Women and Children Protection Center, walo sa mga nasagip ay mga menor de edad na ibinubugaw sa halagang P5,000.

Naaresto naman ang isang menor de edad na suspek na siyang nagyaya sa social media at tinagpo sa Las Piñas.

Iginiit ng suspek na kumikita lamang ito ng P1,500 kada babae na kaniyang naibubugaw.