-- Advertisements --

Nasa 17 bangkay ng Haitiian migrants ang natagpuan ng mga isla ng Bahamas matapos ang pagtaob ng sinakyan nilang bangka.

Binubuo ito ng 15 kababaihan, isang lalaki at isang bata ang natagpuang lulutang-lutang na hinihinalang mga biktima ng human smuggling.

Aabot naman sa 25 mga katao ang nailigtas ng mga Royal Bahamas Police Force at Royal Bahamas Defense Force na nanguna sa rescue operations.

Ayon kay Bahamas Prime Minister Philip Davis na posibleng patungo sana sa Miami, Florida ang bangka na may sakay na mahigit 60 katao.