Nadagdagan pa ng 17 mga bagong piskal ang Department of Justice (DoJ) matapos na din itong aprubahan at italaga ng pangulong rodrigo duterte.
Ayon sa DoJ public information office, kabilang sa mga itinalagang bagong piskal ay para sa mga sangay nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Isa ang itinalaga sa South Cotabato, apat sa Zamboanga City, isa sa Ilocos Norte, isa sa Negros Occidental, isa sa Olongapo City at siyam sa DoJ national prosecution service sa Maynila.
Samantala, nagtalaga naman si pangulong duterte ng isang regional public attorney at isang deputy government corporate counsel.
Matatandaan, kamakailan lang ay kinumpirma na mismo ni DoJ Sec. Menardo Guevarra na aabot sa isang libong mga prosecutors o piskal ang kinakailangan nila sa kagawaran para punan ang kanilang mga bakanteng posisyon sa national prosecution service.