BACOLOD CITY – Arestado ang umaabot 17 katao sa isinagawang buy bust operation ng Police Station 7 sa Purok Pili, Barangay 8, lungsod ng Bacolod kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Major Sherlock Gabana, hepe ng Police Station 7, may nagbigay sa kanila ng impormasyon na may nagtutulak ng iligal na droga sa lugar dahilan kaya nagsagawa nila ng monitoring sa loob ng dalawang linggo.

Alas-4:15 kahapon ng kanilang mahuli ang mga suspek kabilang na ang isang high value target.

Kinilala naman ang subject ng operasyon na si Joey Yap, 39, at isang street level target.

Kasama rin sa mga nahuli sina George Lisaca, 41; Raymond Sibornido, 32; J-R Emeterio, 29; Randy Caduhada, 27; Tonton Yap, 28; Randy Caduhada, 27; Jerry Catapang, 23; at Emmanuel Dancho-on, 33.

Kulong din sina Rico Anieve, 40; Eduardo Denosta, 35, at isang high value target; Glenn Yap, 53; Fermin Cumawas, 40; Andrew Magbanua, 40; Roberto Carasaquit, 36; Allan Cristales, 55; Ian Bandoquillo, 37; at Bernie Baldevia, 36.

Nakuha sa posession nila ang 14 small sachets, 5 medium sachets, at 2 big sachets ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P120,000 at may bigat na 8 grams.

Nakakulong sa ngayon ang 17 suspek sa Police Station-7 at mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.