-- Advertisements --
karding evacuation center

Nasa mahigit 100 napinsalang mga paaralan ang naitala ng Department of Education (DepEd) nang dahil sa pananalasa ng bagyong Karding sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, sa kasalukuyan ay pumalo na sa 165 na mga paaralan na ang nagtamo ng pinsala sa kasagsagan ng nasabing kalamidad.

Bukod dito ay iniulat din ng tagapagsalita na umabot rin sa 386 ang bilang ng mga totally damaged na mga silid-aralan ang kanilang naitala.

Katumbas ito ng nasa Php1.17 billion na estimated cost for reconstruction and rehabilitation sa mga paaralang napinsala ng bagyo.

Samantala, sa ngayon ay nasa 92 mga paaralan na lamang ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation centers mula sa kabuuang bilang na 561 paaralan na ginamit bilang evacuation sites noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding sa Pilipinas.