-- Advertisements --

Patay ang nasa 162 katao dahil sa nangyaring landslide sa isang minahan sa Myanmar.

Dahil sa malakas na pag-ulan kaya gumuho ang lupain sa jade mining site sa Hpakant area sa Kachin state.

Nahirapan ang mga rescuers na iligtas ang mga biktima dahil sa makakapal na putik at lupain sa nasabing lugar.

Ayon sa kapulisan, binalewala ng mga minero ang kanilang babala na huwag magmina dahil sa panganib na dulot ng malakas na pag-ulan.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng insidente sa bansa dahil noong 2015 ay nasa 90 katao ang patay sa Kachin state.