-- Advertisements --
Nagtipon-tipon ang mga protesters sa Israel para ipinawagan ang pagbibitiw ni Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Isinagawa ang kilos protesta matapos ang ianunsiyo ni Netanyahu na siya ay sasailalim sa operasyon matapos na ma-diagnosed siya ng hernia.
Itinalaga niya sa puwesto si Yariv Levin ang deputy prime minister at justice minister na pansamantalang mamumuno sa bansa.
Tiniyak naman ni Netanyahu na babalik agad ito sa trabaho kapag gumaling na.
Napuno ng mga protesters ang Knesset lugar kung saan matatagpuan ang parliamento at ang mga kalsada ng Tel Aviv, Jerusalem, Caesarea, Raanana at Herzliya.
Umabot na rin sa 16 mga protesters ang inaresto ng mga kapulisan ng Israel.