Muling nagpatupad ng panibagong balasahan ang Philippine National Police (PNP).
Sa unit reassignment na pirmado ni Police Major General Rolando Hinanay, director ng Personnel and Records Management (DPRM) ng PNP, nasa 16 na heneral ang malilipat pwesto, epektibo nitong February 3, 2022.
Kabilang sa mga kilalang heneral na nalipat ng pwesto ay sina: QCPD Director PBGen. Antonio Yarra, na itinalagang director ng PRO CALABARZON kapalit ni PBGen. Eliseo Cruz na itinalaga namang Deputy Director ng area police command, Visayas.
Si PDEG Director PBGen. Remus Medina ay itinalaga sa NCRPO.
Samantala, si PNP Training Service director PBGen. Bernard Banac, itinalagang director ng Police Regional Office-8 kapalit ni PBGen. Rommel Cabagnot na nakatakda nang magretiro.
Ang panibagong balasahan ay resulta sa pagretiro sa serbisyo ng ilang mga senior officers.
Ngayong araw, nagretiro na rin sa serbisyo si DPRM director, MGen. Rolando Hinanay kung saan si MGen. Herminio Tadeo Jr ang pumalit sa pwesto nito.
Si MGen. Bartolome Bustamante ng DPCR ay itinalaga bilang bagong Directorate for Plans (DPL) at si MGen. Walter Castillejos ang itinalagang director ng Police Community Relations (DPCR).
“The retirement this month of senior officers triggered the upward movement and opened opportunities in the carrer patter of other senior officers,” pahayag ni Gen. Carlos.