bangladesh

Pinatawan ng parusang kamatayan ng Bangladesh court ang 16 na katao na nasa likod ng pagsunog sa isang mag-aaral.

Kinabibilangan ng head teacher ang nahatulan sa isang paaralan sa Feni, Bangladesh.

Kinilala ang biktimang si Nusrat Jahan Rafi, 19 na sinunog noong Abril matapos akusahan ang guro nito na sangkot sa sexual harassment.

Ang nasabing kaso ay nagbunsod ng malawakang kilos protesta sa bansa na humihingi ng hustisya sa pagkamatay ni Nusrat.

Tiniyak naman ng mga abogado ng mga suspek na kanilang iaapela ang nasabing hatol.